Yumanig ang isang 4.8-magnitude na lindol sa probinsya ng Sulu dakong 7:14 ng gabi nitong Biyernes, Marso 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 41 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Pata, Sulu, na may lalim ng 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.