Usap-usapan ang makahulugang larawang ibinahagi ng Pinoy rock icon na si Dong Abay, kaugnay sa pagpuna sa gobyerno.
Sa Facebook post niya, Huwebes, Marso 13, nag-react si Dong sa mensaheng nakasulat sa ibinahagi niyang larawan, na ang kredito ay mula sa nagngangalang "Carlo Magallon."
Mapapansin sa larawan ang isang lalaking may hawak na plakard na nakasulat ng sa karton.
Sa unang plakard, naka-cross out ang mga apelyidong "Marcos," "Duterte," at "Aquino" at may check naman ang "Pilipinas."
Sa pangalawang plakard, mababasa naman ang mensaheng "ANG PAGPUNA SA GOBYERNO AY HINDI TERRORISMO."
Sa caption naman ng post, mababasa ang tinuran ng rock musician.
"Hindi ako Duterturd"
"Hindi ako Dilawan"
"Hindi ako Marcos loyalist"
"Ako ay para sa Bayan ko," aniya.
Sa isa pang Facebook post, naglabas din ng patutsada si Dong sa mga botante.
"Sabi mo 'Sagrado ang boto,' 'para sa kinabukasan ng mga anak mo,' 'para sa bayan' etc pero ang inihahalal mo ay pawang mga magnanakaw, mamamatay-tao, kriminal, sinungaling, manloloko, mapagsamantala, oportunista, sugapa, bastos, hambog, matapobre, tanga, mangmang, siraulo, payaso, hangal, hunghang, gunggong, ungas, gago, tarantado ka," aniya pa.