May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

'We're blowing everything away!' Trump, tatapusin na raw giyera sa Iran!

'We're blowing everything away!' Trump, tatapusin na raw giyera sa Iran!
Photo courtesy: MB

Inihayag sa publiko ni United States (US) President Donald Trump na malapit na raw nilang tapusin ang giyera laban sa bansang Iran. 

Matatandaang 81 na araw o magtatatlong buwan na ang nakalipas mula noong Pebrero 28, 2026, nang opisyal na mag-anunsyo si Trump sa publiko ng pag-atake nila bansang Iran. 

Dahil sa umigting na tensyon sa pagitan ng mga bansang US, Israel, laban sa Iran, lubhang naapektuhan ang buong mundo at maging ang Pilipinas sa pagsipa ng presyo sa mga produktong petrolyo dahil sa pagsasara ng Strait of Hormuz. 

KAUGNAY NA BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran! 

Ayon naman sa naging bagong pahayag ni Trump at inilabas na video ng Fox News noong Martes (araw sa US), Mayo 19, sinabi niyang mabilis na raw nilang tatapusin ang giyera laban sa nasabing kalaban na bansa. 

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

“We’re blowing it away. We’re blowing everything away and we’re going to end that war very quickly,” pagsisimula niya. 

Ani Trump, tila gusto na raw makipagnegosasyon ng Iran sa America at matagal na raw sana itong nangyari noong 47 na taon na ang nakalipas. 

“They wanna make a deal so bad… This should happen for 47 years. Somebody should have done something about it,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, mabilis na raw matatapos ang naturang giyera at makikita raw ng publiko ang pagbaba ng presyo ng langis. 

“It’s gonna happen and it’s gonna happen fast. You're gonna see the oil prices… they’re gonna come down,” pagtatapos ni Trump. 

KAUGNAY NA BALITA: Xi Jinping, pabor ding mabuksan ang Strait of Hormuz!—Trump

KAUGNAY NA BALITA: Trump, pinapasibak komedyanteng nagsabing 'expectant widow' kay FL Melania!