March 12, 2025

Home BALITA National

Korte Suprema walang TRO para kina FRRD, Sen. Bato

Korte Suprema walang TRO para kina FRRD, Sen. Bato
Photo courtesy: via Balita/MB

Hindi napagbigyan ang petisyon ng kampo nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema, kaugnay ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa dating pangulo, matapos nga siyang arestuhin noong Martes, Marso 11.

Mababasa sa inilabas na opisyal na pahayag ng Supreme Court, sa pamamagitan ng Office of the Spokesperson, ang inilabas nilang desisyon matapos magsumite ng mga dokumento si Atty. Israelito Torreon sa SC kahapon ng Martes, bago pa man lumipad pa-The Hague, The Netherlands ang dating pangulo.

"After a virtual deliberation on the 94-page petition, the SC [Supreme Court] found that the petitioners failed to establish a clear and unmistakable right for the immediate issuance of TRO," mababasa sa opisyal na pahayag ng Supreme Court of the Philippines Office of the Spokesperson.

Photo courtesy: Supreme Court Office of the Spokesperson (FB)

Binibigyan naman ang respondents ng SC na magkomento hanggang 10 araw matapos matanggap ang notice.

National

Lumang post ni 'Thinking Pinoy' kinalkal ng netizens

Samantala, ipinagbigay-alam din ng SC na natanggap nila ang dalawang petisyon para sa writ of habeas corpus na inihain ng mga anak ng dating pangulo na sina Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte at Veronica "Kitty" Duterte.

Alinsunod sa atas ng Punong Mahistrado, nagkaroon na ng special raffle para sa paghawak ng nabanggit na petisyon.

MAKI-BALITA: Korte Suprema, naglabas ng opisyal na pahayag ukol sa petisyon kina FPRRD, Sen. Bato