March 12, 2025

Home BALITA Metro

EDSA Shrine, bantay-sarado na ng mga awtoridad

EDSA Shrine, bantay-sarado na ng mga awtoridad
Photo courtesy: GMA Integrated News and EDSA Shrine

Nakabantay na ang ilang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) sa paligid ng EDSA Shrine, para umano sa inaasahang pagdagsa ng ilang tagauporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Ayon sa mga ulat, nitong Miyerkules ng umaga, Marso 12, 2025 nagsimulang dumating ang police mobile ng QCPD upang i-monitor ang seguridad sa paligid ng EDSA Shrine.

Tinatayang nasa 70 tauhan umano ng pulisya ang naka-deploy sa nasabing lugar. Kasunod ito nang pagdedeklara ng Philippine National Police (PNP) ng pag-heightened alert, kaugnay sa mga panawagang magkaroon ng pagtitipon sa EDSA.

Metro

Ilang kabahayan sa Parañaque, tinupok ng apoy

KAUGNAY NA BALITA: Roque, nanawagang magtipon-tipon sa EDSA matapos arestuhin si FPRRD

Matatandaang noong Martes ng gabi, Marso 11 nang isailalim ng PNP ang lahat ng regional offices nito sa heightened alert kasunod ng posibiidad na magkaroon ng civil unrest at kilos-protesta laban sa pagkakaaresto kay FPRRD. 

Samantala, nananatili pa umanong kalmado ang sitwasyon sa EDSA Shrine bagama’t wala pa raw kumpirmasyon kung kailan magkakaroon ng pagdagsa ng Duterte supporters sa lugar.