Nagsalita na si “FPJ’s Batang Quiapo” star Andrea Brillantes hinggil sa napapabalitang bagong lalaki sa buhay niya.
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News noong Lunes, Marso 10, kinumpirma ni Andrea na nakikipag-date daw siya.
MAKI-BALITA: Andrea at kasamang basketbolista, minalisya; bagong manliligaw niya?
MAKI-BALITA: Pink na bulaklak ni Andrea, ibinida; galing sa basketbolista?
“I am dating someone right now. He is a private person. Non-showbiz siya. [...] And he's also not a basketball player. He used to play,” saad ni Andrea.
Dagdag pa niya, “I've known him for a while, we've been friends for many many years na. So that's it. [...] Not yet in a relationship, I'm just dating."
Ayon kay Andrea, naloloka raw siya dahil maraming nag-usisa kung bakit may jowa na siya samantalang kung tutuusin ay dalawang taon na rin naman daw siyang single.
Bukod dito, hindi rin naman daw niya inililihim sa publiko na bukas siya sa pakikipagrelasyon.
MAKI-BALITA: Andrea, hindi isinasara ang puso sa pag-ibig
Bagama’t walang tinukoy na pangalan, matatandaang ilang beses naispatang kasama ni Andrea ang lalaking nagngangalang Sam Fernandez.
MAKI-BALITA: Pic ni Andrea habang hawak-kamay sa nali-link na basketbolista, usap-usapan