Nag-trending ang pangalan ng Kapamilya actor na si JM De Guzman sa X dahil sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition."
Pero hindi ito dahil sa isa siya sa Kapamilya artists na kabilang sa housemates, o kaya naman, house guest na kagaya ni Ivana Alawi.
Ito ay dahil kamukha raw niya ang isa sa Star Magic artists na housemate na si "River Joseph."
Ngayon pa lang ay talagang kinakikiligan na ng mga netizen si River dahil sa resemblance daw kay JM.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Shutainesh! The last time nakaramdam ako ng ganitong kilig kay Jung Hae In pa.. The guy is Kdrama Actor coded. Ang Perfect ng smile!! OMG! Vuhkeeet ngayon ko lang sya nakita? Where were you River? Where? Bwahahaha. Sobrang ingleshera talaga ako halata."
"Para siyang young JM De Guzman."
"ang cute pala nya pag pagmasdan nang matagal.pag unang tingin kasi di masyado. manly cute-parang jm de guzman."
"Why does he remind me of JM de Guzman? "
"Si JM De Guzman pala yung kagabi ko pa iniisip na kahawig niya or like same vibes yung visuals "
"JM De Guzman na bata ng 20 years & Paulo Avelino ang aura."
Noong Linggo, Marso 9, ay pormal nang ipinakilala at pinapasok sa Bahay ni Kuya ang Kapuso at Kapamilya artists na magiging housemates sa makasaysayang kolaborasyong ito.
MAKI-BALITA: KILALANIN: Kapuso at Kapamilya housemates sa Bahay ni Kuya