May 14, 2026

Home BALITA National

PNP-CIDG, pinahaharap si Dela Rosa sa Camp Crame!

PNP-CIDG, pinahaharap si Dela Rosa sa Camp Crame!
File photo

Inilabas na ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang subpoena para kay Senador Ronald "Bato" dela Rosa nitong Lunes, Mayo 11. 

Matatandaang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla kahapon, Mayo 10, na ngayong araw magsisilbi ng subpoena ang CIDG para kay Dela Rosa kaugnay sa imbestigasyon umano'y extrajudicial killings (EJKs) noong panahong nagsilbi si Dela Rosa bilang Davao City Police Office director at regional director sa Davao Region.

Gayunpaman, nilinaw naman ng kalihim na hindi warrant of arrest ang ipapadala sa senador.

Maki-Balita: 'This is not an arrest warrant!' SILG Remulla, may nilinaw sa subpoena ni Sen. Bato

Samantala, nakasaad sa subpoena na pinahaharap si Dela Rosa sa Major Crimes Investigation Unit ng CIDG sa Camp Crame sa Huwebes, Mayo 14, 2026, alas diyes ng umaga.

National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!

Ito'y para magsumite ng sworn affidavit at mga dokumentong makapagbibigay ng mga impormasyon kaugnay sa umano'y EJK. 

Kung sakaling hindi magpakita ang senador nang walang  posibleng maghain ng indirect contempt ang CIDG.

"Faiure to comply without adequate cause or valid justification shall be a ground for the filing of a case for Indirect Contempt of Court against you under Rule 71, Revised Rules of Court in relation to Section 1 of R.A. No. 10973," anang CIDG. 

Kaugnay nito, pumutok sa mga ulat noong Sabado, Mayo 9, na opisyal na umanong naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa.

Natanggap na umano ng International Criminal Police Organization (INTERPOL) ang naturang arrest warrant ng ICC kay Dela Rosa at agad pumunta ang kinatawan ng naturang police organization sa bansa. 

Sa kabila nito, agad namang idiniin ni Remulla noon ding Sabado na mananatili raw “hearsay” o sabi-sabi ang ulat ng warrant of arrest laban kay Dela rosa hanggang hindi pa niya personal na makikita ang kopya nito.

Kaugnay na Balita:  ALAMIN: Kinalaman ni Sen. Bato bilang 'co-perpetrator' ni FPRRD sa war on drugs!

Matatandaang Nobyembre 2025 pa nagsimulang lumiban sa pagdalo at pagpunta sa Senado si Dela Rosa matapos umugong ang umano’y arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya, kaugnay ng naging madugong kampanya kontra droga ng administrasyon noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato Dela Rosa, numero unong puro absent sa Senado!