March 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sakripisyo, pagkakaisa minimum requirement sa serious nation-building —Honasan

Sakripisyo, pagkakaisa minimum requirement sa serious nation-building —Honasan
Photo Courtesy: Screenshot from News5 (FB)

Ibinahagi ng dating senador—at ngayon ay tumatakbo muli sa nasabing posisyon—na si Gringo Honasan ang dalawang bagay na kinakailangan sa pagbuo ng isang nasyon.

Sa isang pasilip mula sa programang “Aplikante” ng News5 nitong Linggo, Marso 8, nausisa si Honasan kung ano ang puwedeng gawin upang malutas ang mga problema ng bansa tulad ng korupsiyon at pang-aabuso sa karapatang-pantao.

“Sa tingin ko [...] ang minimum requirements for serious nation-building ay sakripisyo at pagkakaisa. Ikinakahon tayo palagi sa pro, anti. Pro-China, anti-China.Pro-US, anti-US. Pro-BBM, anti-BBM.,” saad ni Honasan.

Dagdag pa niya, “Bihira ko ngang marinig ‘yong pro-Filipino. [...] Magkakaiba tayo ng ugali, ng dialect pero kailangan ‘pag pinag-uusapan na ‘yong national interes, ‘yong mga banta sa atin, Pilipino tayo.”

Eleksyon

Ogie Diaz, pinasaringan kandidatong bet tumulong pero walang plano: 'Dapat foundation itinayo!'

Ayon kay Honasan, nag-aalala raw siya na malagay sa alanganin ang kinabukasan ng kabataan kaya manalo man o matalo ay gagawin daw niya kung ano man ang nararapat.

Matatandaang Oktubre 2024 nang ianunsiyo ni Honasan ang pagnanais niyang bumalik sa Senado para isulong umano ang modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

MAKI-BALITA: Gringo Honasan, tatakbong senador sa 2025; maghahain ng COC sa bago matapos ang filing

Pero bago pa man ito ay una nang naihalal si Honasan bilang senador noong 1995. Muli siyang nanalo noong 2001, 2007, at 2013.