March 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mayor Mark Alcala, ginagamit si Kathryn Bernardo para sa kandidatura?

Mayor Mark Alcala, ginagamit si Kathryn Bernardo para sa kandidatura?
Photo Courtesy: Mark Alcala (FB), Kathryn Bernardo (IG)

Hindi raw malabong kuwestiyunin ng publiko ang intensyon ni Lucena City Mayor Mark Alcala kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Sabado, Marso 8, napag-usapan na baka raw inililihim ng dalawa ang relasyon nila ay dahil baka isipin ng ilan na ginagamit ni Mark si Kathryn para sa kandidatura nito.

Ngunit ayon kay Ogie, “Feeling ko, hindi. Parang wala namang kalaban si mayor. [...] Or unopposed ‘ata, e.” 

“Parang masyadong mataas pa rin ‘yong percentage sa survey ni Mayor Alcala. So, hindi para gamitin niya si Kathryn,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Barbie, ibinida pics nila ni FL Liza: 'Thank you Madam for inviting me!'

Matatandaang itsinika kamakailan ni Ogie ang nasagap niya mula sa kaniyang source na may relasyon na nga umano sina Mark at Kathryn matapos ma-link sa isa’t isa.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang pahayag o reaksiyon ang dalawa hinggil sa naturang tsika.

MAKI-BALITA: Mark Alcala, nakapasok na nga ba sa puso ni Kathryn Bernardo?