April 02, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Matapos hiwalayan issue: KaladKaren, todo-flex sa mister

Matapos hiwalayan issue: KaladKaren, todo-flex sa mister
Photo courtesy: KaladKaren (FB)

Ibinida ni "Frontline Pilipinas" showbiz news presenter Jervi "KaladKaren" Wrightson ang mga larawan nila ng British husband na si Luke Wrightson habang nasa Los Angeles, California, US sila.

"Look who followed me in Los Angeles. ," mababasa sa caption ng social media posts.

Kalakip nito ang ilang mga larawan nila kung saan makikita ang lambingan nila.

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang umano'y hiwalayan nila dahil sa isang TikTok video entry ni KaladKaren, maging ang pagkabura ng wedding photos nila sa Instagram.

Relasyon at Hiwalayan

Mikee Quintos, Paul Salas hiwalay na!

Pero nilinaw naman ni KaladKaren na hindi sila hiwalay ng mister.

"Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson," anang KaladKaren.

"Lilinawin ko lang po yung issue tungkol sa amin ni Luke. You know, our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges. And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad."

"But for 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa't isa. So, kami pa rin po. We're still together. Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa," giit pa niya.

"Katunayan nga, umuwi siya ng Pilipinas, kakarating lang kaninang tanghali."

Ipinaliwanag din ni KaladKaren kung tungkol saan ang TikTok video niya, sa saliw ng kanta ni Ariana Grande.

"Yung Tiniktok po ko na song ni Ariana Grande na 'We Can't Be Friends,' feel ko lang siya i-TikTok noong araw na yon," aniya.

Pagdating naman sa pang-iintriga sa umano'y deleted wedding photo nila sa Instagram, "Yung picture ko naman sa Instagram, inaayos po kasi ng management yung feed ko for work. So, nagtanggal sila ng ibang pictures pero ibabalik din nila 'yon."

"Pati nga ako nagulat din ako na, 'Bakit wala yung ibang pictures ko?'"

Pinag-ingat din ni KaladKaren ang publiko sa pagkalat ng fake news.

"Napagtagpi-tagpi lang ng netizens yung kuwento. Mayroon pang gumagawa ng fake news, fake videos. Ini-slice yung dati kong vlogs tapos inilalagay na umiiyak ako doon sa issue."

Sa pagtatapos, nagbigay rin siya ng "moral of the story" tungkol sa nangyari.

"I think the moral of the story, we have to be responsible with the content that we receive and consume," ani Kaladkaren.

"Yung mga napapanood natin online, mag-ingat po tayo sa fake news and let's mind our own business."

Hindi raw sana magsasalita si KaladKaren patungkol dito, dahil wala naman daw talaga silang problema ni Luke, subalit lumalaki na kasi ang intriga kaya kailangan na itong i-address.

MAKI-BALITA: KaladKaren, ibinahagi 'moral of the story' sa inintrigang hiwalayan nila ng mister

MAKI-BALITA: KaladKaren, nagsalita na sa estado ng relasyon nila ng afam na hubby!