May 20, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bea Alonzo, tikom ang bibig sa kasal nila ni Vincent Co

Bea Alonzo, tikom ang bibig sa kasal nila ni Vincent Co
Photo Courtesy: Bea Alonzo (FB), @rhn.editss (TikTok) via Fashion Pulis

Nananatiling tahimik si Kapuso star Bea Alonzo sa umugong na tsika tungkol sa kasal nila ng negosyante at bilyonaryong fiancé niyang si Vincent Co.

Ayon sa ulat ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend noong Linggo, Abril 26, tumanggi raw muna si Bea na magbigay ng komento hinggil dito.

Mahigit isang buwan na ang nakalilipas simula nang inanunsiyo ng St. Peter the Apostle Parish  sa Paco, Maynila ang marriage banns nina Bea at Vincent.

Sa Pilipinas, ang marriage banns ay itinuturing na abiso sa publiko tungkol sa paparating na kasal. Ipinapaskil ito nang tatlong magkasunod na linggo sa parokya ng bride at groom.

"Ferdinand Vincent Pe Co - Groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo - Bride," mababasa sa nasabing marriage banns.

Relasyon at Hiwalayan

Bago mag-med school: Rabiya Mateo, sinulit ni Jake Cuenca sa Hong Kong!

Matatandaang Phylbert Angelli Escalante Ranollo ang tunay na pangalan ni Bea sa labas ng show business.

Nagsimulang umugong noong Mayo 2025 ang bulung-bulungan na may namamagitan kina Vincent at Bea matapos silang maispatang magkasama sa Espanya.

Maki-Balita: Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na?