Nagpasiklab na naman si “Incognito” star Maris Racal ng kaniyang kaseksihan sa suot niyang bikini habang rumarampa sa beach.
Sa latest Instagram post ni Maris noong Biyernes, Marso 7, mapapanood ang aerial shot ng paglalakad niya sa dalampasigan habang tumutugtog ang Summer Girl ng HAIM bilang background music.
"[A]nd you always know and you always know," saad niya sa caption.
Umani tuloy ang nasabing post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ayan tayo e… dinaan kami sa papisngi!!"
"Grabeeeee! Lalong uminit!"
"Booty booty boootehhhhhh "
"Buneeeeeeng! Kunin mo nga yung harina sa baba!!!!!"
"And to think this is not even in a resort..wtf tas kami so trying hard makahanapn ng nice resort para nice view haha siya walang ka effort2 pero ang ganda ng kuha "
"Ganito pala mag moment sa beach"
"Shet parang may gagayahin na naman ako..."
Matatandaang minsan na ring pumatok sa mga netizen ang eksena ni Maris sa “Incognito” kung saan nagtatakbo siya nang naka-bra at panty lang.
MAKI-BALITA: Maris nagtatatakbong naka-panty at bra lang