Diretsahang tinanggihan ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma ang ideya ng pakikipagrelasyon sa isang 18-anyos nang tanungin siya hinggil sa mainit na usaping ito ni Asia's King of Talk Boy Abunda sa kaniyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong Miyerkules, Hulyo 8.
“Halimbawa niligawan kayo ng isang bata, isang 18 years old. Alam ko mainit itong pinag-uusapan. Anong gagawin n’yo? A. Sasagutin; B. Pagsasabihan; C. Bibigyan ng pang-meryenda?” tanong ni Tito Boy kina Joy at Baus Rufo, na kaniyang Unang Hirit co-host.
Kahit wala sa choices,pabirong sinabi ni Joy na gagawin niyang scholar ang 18-anyos na hinalimbawang manliligaw sa kaniya dahil nag-aaral pa raw ito.
Ngunit bukod dito, seryoso niyang ipinaliwanag na pagsasabihan niya ang manliligaw na ito dahil para sa kaniya, hindi pa buo ang maturity ng isang 18-anyos.
“Ako po, Tito, pagsasabihan, kasi yung mga gano’ng edad po kasi, entering maturity pa lang sila. If you have already developed your frontal lobe, parang it’s up to you to inform this kid, this 18-year old na dapat yung mga desisyon na ginagawa nila is something that will actually benefit them in the future,” saad ni Joy.
“If learning curve sa kaniya ‘to, learning experience ‘to, so be it. But as for me, hindi ako papatol sa 18-years old. More so because I know that relationships take a lot of maturity, take a lot of understanding, take a lot of experiences,” dagdag pa ni Joy.
Sa kahawig na sagot, binanggit ni Baus na pagsasabihan din niya kung sakaling ligawan siya ng isang 18-anyos.
“Ako pagsasabihan ko na wag, masyadong bata, at two, di mo ‘ko afford kasi magastos ako,” saad naman ni Baus.
Matatandaang rumatsada rin ng sagot si Joy sa X noong nakaraang Sabado, Hulyo 4, matapos niyang sabihin na masasaktan na raw siya kapag sinabing kamukha niya ang comedian-actress na si Kakai Bautista dahil sa naging pagdipensa nito kay courtside reporter Apple David na jumowa kay ng 18-anyos na basketbolista.
“Simula ngayon maooffend na ko pag sinabing kamukha ko siya Madam, what is this?” tila dismayadong saad ni Joy kay Kakai.
MAKI-BALITA: Joy Barcoma, ‘di na bet maging kahawig ni Kakai Bautista dahil kay Apple David?
KAUGNAY NA BALITA: ‘Bakit galit na galit kayo?’ Kakai Bautista, ipinagtanggol si Apple David
Matatandaan namang naging mainit na usapin sa social media ang relasyon ni Apple kay Chad Gammad na parte ng Letran Knights dahil sa pagiging 18-anyos nito.
MAKI-BALITA: 'Masama ba?' 34-anyos courtside reporter, jumowa umano ng basketbolistang 18-anyos