July 21, 2026

Home SHOWBIZ

‘Bakit galit na galit kayo?’ Kakai Bautista, ipinagtanggol si Apple David

‘Bakit galit na galit kayo?’ Kakai Bautista, ipinagtanggol si Apple David
Photo Courtesy: Kakai Bautista (FB), Apple David (TikTok)

Dinepensahan ng singer at komedyanteng si Kakai Bautista ang trentahing courtside reporter na si Apple David na jumowa ng basketbolistang 18-anyos.

Sa isang social media post ni Kakai kamakailan, kinuwestiyon niya kung bakit galit na galit ang marami na nagkagusto ang 18-anyos kay Apple.

“Bakit galit na galit kayo kung nagkagusto ang 18-year-old sa kaniya. Buhay niya ‘yan. Pinakailaman niya ba ‘yong buhay n’yo no’ng naglandi kayo?” saad ni Kakai.

Dagdag pa niya, “Yong mga pinupuri n’yo nga nang husto sa social media na mga hitad dahil namimigay ng pera e kabit ng mga politikong magnanakaw, tapos ‘yong masaya lang ayaw n’yong tigilan?” 

Dahil dito, inatake tuloy siya ng ilang netizens at binansagang enabler.

Relasyon at Hiwalayan

Jelai sa bagong partner ni King Badger: 'Sana ingatan mo siya para hindi na makaperwisyo ng iba'

Pero depensa ni Kakai, “Kung sa tingin n'yo na masama nga 'yong ginagawa, mag-file kayo ng complaint. But I researched everywhere, wala namang nag-compain about their relationship. Kayo lang mainngay.”

“Whatever it is that I have, I'm happy for them. [...] Hayaan n'yo nang maging masaya 'yong tao,” dugtong pa niya.

Matatandaang nagsimulang maging kontrobersiyal si Apple nang ibahagi niya sa social media ang larawan nila ni Chad nang hindi hagip ang mukha nito.

Inulan pa siyang lalo ng batikos nang palabasin niyang tila wala naman umanong masama sa relasyon nila.

Maki-Balita: 'Masama ba?' 34-anyos courtside reporter, jumowa umano ng basketbolistang 18-anyos