Tila hindi nagustuhan ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma ang ginawang pagdepensa ni Kakai Bautista kay courtside reporter Apple David na jumowa ng 18-anyos.
Sa isang X post ni Joy noong Sabado, Hulyo 4, sinabi niyang masasaktan na raw siya ngayon kapag sinabing kamukha niya si Kakai
“Simula ngayon maooffend na ko pag sinabing kamukha ko siya Madam, what is this?” saad ni Joy na ang pinatutungkulan ay ang pahayag ni Kakai tungkol sa relasyon ni Apple kay Chad Gammad.
Sabi ni Kakai, “Bakit galit na galit kayo kung nagkagusto ang 18-year-old sa kaniya. Buhay niya ‘yan. Pinakailaman niya ba ‘yong buhay n’yo no’ng naglandi kayo?”
Dahil dito, inatake tuloy siya ng ilang netizens at binansagang enabler.
Pero depensa ni Kakai, “Kung sa tingin n'yo na masama nga 'yong ginagawa, mag-file kayo ng complaint. But I researched everywhere, wala namang nag-compain about their relationship. Kayo lang mainngay.”
“Whatever it is that I have, I'm happy for them. [...] Hayaan n'yo nang maging masaya 'yong tao,” dugtong pa niya.
Maki-Balita: ‘Bakit galit na galit kayo?’ Kakai Bautista, ipinagtanggol si Apple David
Matatandaang nagsimulang maging kontrobersiyal si Apple nang ibahagi niya sa social media ang larawan nila ni Chad nang hindi hagip ang mukha nito.
Inulan pa siyang lalo ng batikos nang palabasin niyang tila wala naman umanong masama sa relasyon nila.
Maki-Balita: 'Masama ba?' 34-anyos courtside reporter, jumowa umano ng basketbolistang 18-anyos