March 09, 2025

Home SHOWBIZ

Herlene Budol, aminadong jologs: 'Totoo naman!'

Herlene Budol, aminadong jologs: 'Totoo naman!'
Photo Courtesy: Herlene Budol (FB)

Hindi itinanggi ni beauty queen-actress Herlene Budol ang isa sa mga bansag sa kaniya ng marami na siya raw ay “jologs.”

Matatandaang may negatibong konotasyon ang “jologs” na ikinakabit sa mga taong nasa mababang lebel ng lipunan.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, inusisa si Herlene kung ano ang reaksiyon niya kapag sinabihan ng “jologs.”

“Okay lang, totoo naman ho, e. Totoo namang jologs ako. Gano’n ako lumaki; kung paano ako magsalita,” saad ni Herlene.

KILALANIN: Kapuso at Kapamilya housemates sa Bahay ni Kuya

Dagdag pa niya, “Sinusubukan ko naman din talagang baguhin po ‘yong kung paano ako magsalita. Pero parang nagpapanggap po kasi ako ‘pag binago ko, e.”

Kaya ayon kay Herlene, mas maganda raw na makita na lang ng tao kung sino ba talaga siya sa TV man o personal.