April 12, 2025

Home SHOWBIZ

Tatay ni Angel Locsin, pumanaw na

Tatay ni Angel Locsin, pumanaw na
Photo courtesy: ABS-CBN News via MJ Felipe (FB)

Pumanaw na ang ama ng aktres na si Angel Locsin, na si Angelo M. Colmenares, sa gulang na 98. 

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sa pamamagitan ni MJ Felipe, yumao ang ama ni Angel noong Miyerkules, Marso 5, batay sa kumpirmasyon ng pamilya. 

Hindi naman idinetalye ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Angel. 

Nakikiusap umano ang pamilya ni Colmenares sa kanilang privacy, at nagpasalamat naman sa mga nagpadala ng mensahe at pakikiramay sa kanila. 

Pelikula

Katawan ni Ivana, handang ibuyangyang sa pelikula

Samantala, wala pang post o opisyal na pahayag ang kampo ni Angel tungkol dito. Hindi pa rin inilalabas ang mga detalye kung saan gaganapin ang burol.