Pinuna ng netizen ang hitsura ng actress-dancer na si Yassi Pressman sa isang TikTok video nito kamakailan.
Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Martes, Marso 4, pinag-usapan ang nasabing video ni Yassi.
“Si Yassi Pressman, ‘yong ganda para daw nabawasan. Dahil may isang TikTok video na parang kamukha raw siya ni Steve Tyler,” lahad ni showbiz insider Ogie Diaz.
Pero ayon kay Ogie, nasa set daw kasi ng ginagawang horror film si Yassi kaya gano’n ang hitsura nito sa video.
Ang nasabing pelikula ay pinamagatang “Isolated” na nasa ilalim ng Viva Films at ididrek ni Benedict Mique. Makakasama rin dito ni Yassi ang batikang aktor na si Joel Torre.
“Siyempre ‘yong iba naninibago. Bakit daw nagpaiba pa ng labi? Nagpadagdag o nagpa-enhance, ganyan. Tapos iba rin ‘yong mukha. Nawala raw ‘yong pagka-Yassi Pressman,” dugtong pa niya.
Ngunit kung titingnan naman daw ang ibang video ni Yassi sa iba nitong social media accounts ay tila wala naman daw nagbago sa hitsura nito.