May 22, 2026

Home BALITA

SOJ Vida, balik-bansa sa Abril 30; bigong maiuwi si Zaldy Co

SOJ Vida, balik-bansa sa Abril 30; bigong maiuwi si Zaldy Co
Photo courtesy: via MB


Inaasahang babalik na sa bansa si Department of Justice (DOJ) Secretary Fredderick Vida, Huwebes, Abril 30.

Kasunod ito ng pagbisita niya sa Czech Republic upang personal na alamin ang kalagayan at kinaroroonan ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa nasabing bansa, base na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Kinalaunan, isiniwalat niya rin ang aniya’y “difficult news,” sapagkat hindi na niya umano natunton sa nabanggit na bansa ang dating kongresista.

“I have to share difficult news mga kababayan, the Czech authorities have confirmed to us that Mr. Zaldy Co is no longer in their custody,” saad ni Vida sa isang press briefing sa Philippine Embassy sa Prague noong Martes, Abril 28.

Ipinaliwanag din ng kalihim ng DOJ na siya ay tutungo rin sa Rome, Italy upang dumalo sa isang international conference na pangangasiwaan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.

Base naman sa huling ulat patungkol kay Co, ang kongresista daw ay umapela ng isang political asylum sa bansang France.

MAKI-BALITA: Zaldo Co, umapela ng political asylum sa France—Palasyo-Balita