May 21, 2026

Home BALITA National

VP Sara, 'di ulit sumipot sa pagdinig ng House Committee on Justice

VP Sara, 'di ulit sumipot sa pagdinig ng House Committee on Justice
Photo courtesy: File Photo, HOR

Muling hindi sumipot si Vice President Sara Duterte sa ikaapat na pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa mga impeachment complaint na kinakaharap niya. 

Matatandaang nauna nang magsagawa ng pagdinig ang nasabing Komite noong Marso 25, Abril 14, at Abril 22, 2026, na kapuwa hindi dinaluhan ni VP Sara para sana dumepensa sa paggulong ng deliberasyon ng mga impeachment complaints laban sa kaniya. 

Ayon sa muling ikinasang pagdinig ng House Committee on Justice nitong Miyerkules, Abril 29, nagawang tawagin at hanapin ng Komite ang presensya ni VP Sara bago nila pormal na simulan ang kanilang sesyon. 

Ngunit muling hindi dumalo ang Bise Presidente para sana sa pagkakataon niyang pabulaanan ang mga akusasyong binabato laban sa kaniya ng mga tumatayong testigo at ahensya sa nasabing pagdinig. 

Paglilinaw ni House Justice Committee chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro, “Let it be placed on record that the Committee secretary called the respondent Vice President but she is not present in today’s hearing.” 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Screenshot mula sa pagdinig ng House Committee on Justice (YT).

Ani Luistro, hangad daw sana nila na dumalo si VP Sara upang magkaroon siya ng oportunidad na ilatag ang kaniyang mga counter-evidence at katanungan sa mga miyembro ng kanilang Komite. 

“The purpose of that call is to extend to her the continuing opportunity to present her evidence—including counter-evidence and clarificatory questions through the Justice members,” diin niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag si VP Sara kaugnay sa gumugulong na pagdinig ng House Committee on Justice.

KAUGNAY NA BALITA: 'Na-ghost na nga, ginaslight pa!' Luistro, binanatan si VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: 'Pumunta po kayo rito!' Rep. Abante, hinamon si VP Sara