May 13, 2026

Home BALITA National

'Na-ghost na nga, ginaslight pa!' Luistro, binanatan si VP Sara

'Na-ghost na nga, ginaslight pa!' Luistro, binanatan si VP Sara
Photo courtesy: HOR, File Photo

Pinatutsadahan ni House Justice Committee chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro si Vice President Sara Duterte kaugnay sa naging sagot ng huli sa isiniwalat ng testigong si Ramil Madriaga tungkol sa umano’y naging pag-aaral ng bise presidente sa abogasya noon. 

Matatandaang nagawang maglabas ng pahayag ni VP Sara laban kay Madriaga sa kaniyang Facebook post noong Abril 15, 2026. 

Saad kasi ni Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice noon Abril 14, na ibinahagi raw sa kaniya ng propesor ni VP Sara noong sa San Sebastian College of Law (SSC-Law) na “not particularly good,” nahihirapan sa pag-aaral, at bayolente noon ang Bise Presidente sa nasabing law school.

Buwelta naman ng Bise Presidente, nakapagtapos daw siya ng abogasya noong 2005 at kumuha exam sa parehong taon.

Aniya pa, mahirap daw ang Bar Exam noong Setyembre 2005 ngunit naipasa niya pa rin ito sa unang subok na may General Weighted Average (GWA) na 80, limang puntos daw na mas mataas 75 na passing grade.

National

Sen. Bato, tinulak 2 babaeng NBI na magsisilbi sana ng arrest warrant—Matibag

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, kinontra si Madriaga; nakatapos ng law school sa sariling sikap

Ayon naman sa naging pahayag ni Luistro sa pagsisimula ng muling pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa impeachment cases ni VP Sara nitong Miyerkules, Abril 22, 2026, sinabi niyang “na-ghost” o hindi magawang dumalo ng Bise Presidente sa kanilang pagdinig. 

Saad pa niya, tila raw “na-gaslight” pa sila ni VP Sara sa inilabas nito noong pahayag tungkol sa kaniyang grado sa law school. 

“Na-ghost na nga tayo, tila gina-gaslight pa tayo,” pagsisimula niya. 

Diin ni Luistro, mas mahalaga raw itanong kung nasaan na ang pera na ginamit ni VP Sara sa kaniyang confidential funds noon at hindi para isagot sa kanilang ang naging grado niya sa kolehiyo noon. 

“Ang mas mahalagang tanong ay kung nasaan ang pera ngunit ang sagot sa atin ay tungkol sa grado sa kolehiyo,” aniya. 

Dagdag pa niya, “The worst part, this explanation is not being made here but everywhere else.” 

Pagpapatuloy ni Luistro, sinumpaang testimonya raw ang nais nilang marinig kay VP Sara at huwag silang bigya ng huli ng mga press statement at content sa social media platforms.  

“Ang gusto natin ay testimonya sa ilalim ng sumpa pero ibinibigay sa atin, press release at content sa social media,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, muli namang hindi dumalo si VP Sara sa pagdinig ng nasabing Komite para sa deliberasyon ng impeachment cases laban sa kaniya. 

KAUGNAY NA BALITA: Ramil Madriaga isiniwalat na mahina, bayolente sa law school noon si VP Sara