March 04, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Vice Ganda, game makasama si Kathryn Bernardo sa pelikula

Vice Ganda, game makasama si Kathryn Bernardo sa pelikula
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB), Kathryn Bernardo (IG)

Sinakyan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang “what if” ng isang netizen tungkol sa kanila ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

Sa X post kasi ng “Your Online Kapamilya” kamakailan ay makikita ang isang art hinggil sa ranking ng mga box-office royalties.

Tampok doon ang ranking ng highest grossing Filipino movie stars kung saan pinagsama-sama lahat ng kinita ng mga pelikulang nagawa mula 2000.

At base sa unofficial ranking, nangunguna si Kathryn na may ₱5.6 bilyong total box office gross na sinusundan naman ni Vice Ganda ₱5.2 bilyon.

Pelikula

Janine, excited mapanood si Jericho bilang Quezon

Sey tuloy ng netizen, “Kathryn & Vice together with their co-actors sa mga movies nila yung nasa list What if silang dalawa kaya pagsamahin next time? Saboog!”

Tanong naman ng Unkabogable Star, “Gusto mo ba??????” 

Dahil dito, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wahhhhh!! Cinematic event yan kung sakali. Push na yan, @StarCinema for MMFF or November release."

"Yes meme. Sana po magsama po ulit kayo sa isang movie.   "

"Sh*t sasabog ang sinehan nito pag nagkataon!"

"This duo is truly fantastic! With @vicegandako stepping boldly into her new era, @bernardokath is set to unveil fresh perspectives and showcase the incredible talent of Vice Ganda. Get ready for an exciting journey ahead!"

"Go, Vice and Kath! It will be a blockbuster to the max. Ano kayang kuwento , magkuya, mag tito, boss and empleada or magjowa? Exciting!"

"YES! Riot yan mhiemasaur!"

"WE WANT IT!"

Matatandaang nagkasama na rin sina Vice Ganda at Kathryn Bernardo sa pelikulang “Sisterakas” noong 2012 na kumita ng ₱393 milyon.