Dinapuan daw ng depresyon ang aktor na si Rash Flores matapos lumabas ang maselang video niya na pinagpiyestahan sa social media kamakailan.
Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP, matatandaang inamin ni Rash na siya nga ang nasa leaked video scandal na pinagpasa-pasahan na ng mga nagpapantasya sa kaniya.
Aminado ang aktor na tinamaan daw siya ng depresyon at umiwas muna sa pagsilip sa social media upang hindi mabasa ang mga komento laban sa kaniya.
Makalipas ang dalawang araw, saka lang daw nagbukas ng social media ang aktor. Nakatulong naman daw sa kaniya ang mga mensahe ng kaibigan, na nagsasabing malalagpasan din niya ang eskandalo at hindi ito kasiraan sa kaniya.
Pinabulaanan din ni Rash ang mga alegasyon ng netizens na kesyo ginusto talaga niyang kumalat ang video para pag-usapan at umingay ang pangalan niya, lalo't gumagawa siya ng pelikula sa VMX.
KAUGNAY NA BALITA: VMX actor, kinumpirmang siya ang lalaki sa maselang video na kumakalat