March 01, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sam Milby, hinalikan sahig ng Fast Talk with Boy Abunda studio

Sam Milby, hinalikan sahig ng Fast Talk with Boy Abunda studio
Photo courtesy: GMA Network via PEP

Hinalikan ng Kapamilya star na si Sam Milby ang sahig ng "Fast Talk with Boy Abunda" studio nang bumisita siya rito para sa panayam kay Asia's King of Talk Boy Abunda.

Bakit?

Kasi sa tagal ni Sam sa industriya at bilang isang ABS-CBN contract artist, ito pala ang unang beses na nakatapak siya sa bakuran ng GMA Network.

Nagsimula si Sam sa Kapamilya Network nang maging housemate sa reality show na "Pinoy Big Brother," pero hindi siya pinalad na manalo. Pero simula nang lumabas ng Bahay ni Kuya, nagtuloy-tuloy na ang showbiz career ni Sam at naging isa na nga sa bankable leading man ng network, na naipareha na kina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Anne Curtis, at iba pa.

Tsika at Intriga

Netizens, dismayado rin: Vice Ganda, trending dahil sa contestant na 'di alam Comelec!

Anyway, nag-guest si Sam sa Fast Talk para i-promote ang pelikulang "Everything About My Wife" na unang pagsasama-sama nila sa movie ng Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, na prinodyus ng CreaZion Studios at GMA Pictures.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP na isinulat ni Jojo Gabinete, sa Lunes, Marso 3 pa raw mapapanood ito.

Biniro ni Boy si Sam na ang paghalik sa sahig ng studio ay ginagawang tradisyon ng mga unang beses na tatapak sa GMA-7, bagay na ginawa nga ni Sam, na ikinagulat naman ng lahat.

Pero si Boy, hindi rin nagpahuli dahil matapos daw ang panayam niya kay Sam, siya naman ang humalik sa sahig ng kanilang studio.

Bukod sa mga eksenang ito, ang mas dapat daw abangan sa panayam ay ang pagiging emosyunal ni Sam nang magbukas na siya tungkol sa naging hiwalayan nila ng ex-fiancee na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.