Tanggap na raw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naging hatol ng International Criminal Court (ICC) matapos maibasura ang lahat ng jurisdiction challenge niya hinggil sa mga kasong kinakaharap niya sa naturang korte.
Sa panayam ng Facebook page na Alvin and Tourism sa anak ng dating Pangulo na si Kitty Duterte noong Miyerkules, Abril 22, 2026, iginiit niyang ipinagkakatiwala na lang din daw nila sa Diyos ang kapalaran ng kaniyang ama.
"He knows about the decision already... so far, he is accepting of it," ani Kitty.
Saad pa niya, "Wala tayong magagawa eh, leave it up to God.”
Pagbabahagi pa ni Kitty, bagama’t aminado rin daw siyang na-diasspoint daw sila sa naturang desisyon ng korte, iginiit naman niyang hindi na rin daw nila ito ikinagulat.
“Disappointed but not suprised… We are always expecting the worst, that’s the only way to be prepared,” aniya pa.
MAKI-BALITA: 'It's inevitable!' Kitty Duterte, wapakels sa kritisismo sa kanilang pamilya
Matatandaang nahaharap ang kaniyang amang si dating Pangulong Duterte sa mga kasong may kaugnayan sa kampanya kontra ilegal na droga ng kanyang administrasyon, kabilang ang crimes against humanity.
Inaresto siya sa Maynila noong Marso 2025 at inilipat sa The Hague, kung saan siya kasalukuyang nakadetine sa pasilidad ng ICC.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Unang anibersaryo mula sa pagtugis ng ICC kay FPRRD hanggang sa pagdinig ng confirmation of charges
Noong Huwebes, Abril 23, nang inihayag naman ng ICC na sila ang may proper jurisdiction sa mga kaso ni dating Pangulong Duterte kung saan nangangahulugang magtutuloy-tuloy na ang pag-usad sa paglilitis sa kaniya sa international court.
MAKI-BALITA: 4 na jurisdiction challenge ni FPRRD, 'di nakaporma sa ICC Appeals Chamber!