May 22, 2026

Home BALITA National

CSC: Mga empleyado ng pamahalaan, pinagbabawalan nang sumali sa anumang uri ng sugal

CSC: Mga empleyado ng pamahalaan, pinagbabawalan nang sumali sa anumang uri ng sugal
Photo courtesy: Unsplash

Ibinaba ng Philippine Civil Service Commission (CSC) direktibang nagbabawal sa mga empleyado ng pamahalaan na sumali sa kahit anong uri ng sugal, mapa-online man ito o personal. 

Batay sa inilabas na pahayag ng CSC noong Huwebes, Abril 23, saklaw ng polisiyang ito ang mga opisyal at empleyado sa national level, local government units (LGUs), autonomous regional governments, state at local universities at mga kolehiyo, at government-owned o controlled corporations na may original charters. 

Ang mga ipinagbabawal namang mga gawain ay ang mga sumusunod: 

- Pagpasok, pananatili, at pakikiisa sa anumang gambling activities sa casino, gambling houses, o iba pang mga kaparehang establisyemento, land-based man ito o sea-based, o kaya’y sa loob o labas man ng Pilipinas kahit na nabigyan ng lisensiya sa pagpapatakbo. 

- Pakikiisa sa online o electronic gambling, kabilang ang online casinos, e-bingo, e-sabong, at internet-based betting gamit ang anumang gadget. Kasama rin dito ang promotion o pangunguna ng mga ganitong gawain. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

- Partisipasyon sa anumang pagsusugal, tradisyunal man ito, informal, pampribado, social, cultural, o kalalabas pa lamang. Ang pagsasaayos o pagpapasilidad ng mga ganitong gawain ay ipinagbabawal rin. 

Nilinaw pa ng CSC na ang mahigpit na ipinagbabawal rin ang presensya ng sinumang empleyado o opisyal sa anumang pasugalan, puwera na lamang kung sakop ito ng kaniyang awtorisadong opisyal na tungkulin. 

Ang mga gawain namang ginawa para sa pagkakawanggawa, civic, o public welfare ay nananatiling pinahihintulutan, kung ang partisipasyon ay hindi lumalabag sa direktiba. 

Sa pagre-report ng mga opisyal at empleyado, maaari itong isumite sa CSC Contact Center ng Bayan o iba pang complaint referral systems. 

Tiniyak ng ahensya na sa pagsusumbong, mananatili itong anonymous. 

Anila pa, alinsunod sa 2025 Rules on Administrative Cases in the Civil Service, ang unang offense ay may resultang pagsita; suspensyon naman pag-akyat sa second offense; at dismissal mula sa serbisyo pagdating ng third offense. 

Saad ni CSC Chairperson Marilyn B. Yap, ang polisiyang ito ay nakabatay sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. 

“Involvement in gambling may expose public servants to financial vulnerability and conflicts of interest, which can undermine impartiality and erode public trust,” ani Yap. 

Aniya pa, layon ng polisiyang ito patatagain ang tiwala ng taumbayan sa pampublikong serbisyo habang pinangtitibay ang integridad sa paninilbihan.

“This prohibition reinforces the duty of all government personnel to consistently uphold integrity and professionalism in public service,” dagdag pa niya.