March 04, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kim 'daldalera,' binuking naging sakit ni Vice Ganda

Kim 'daldalera,' binuking naging sakit ni Vice Ganda
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live (YT)

Naloka si Unkabogable Star Vice Ganda sa co-host niyang si Kim Chiu sa noontime show na "It's Showtime" matapos nitong madulas at masambit ang naging sakit niya kamakailan.

Habang nagho-host sila, hindi sinasadyang mabanggit na nagka-dengue pala si Vice.

Tawang-tawa naman si Vice sa "kadaldalan" ni Kimmy, dahil secret lang yata dapat.

Pabiro namang biniro ni Kim si Vice dahil nagawa pa nitong pumasok kahit na hindi pala maganda ang pakiramdam.

Tsika at Intriga

Pagbabayad ng tax at pagtatanong kung saan napunta ito, obligasyon!—Vice Ganda

"Buti okay ka na, Ma, kahit may dengue ka, nagtrabaho ka pa rin," concern na sabi ni Kim.

"At talagang in-out mo na nagka-dengue ako!" natatawang sey naman ni Vice.

Sundot naman ng singer-actor at co-host nilang si Darren Espanto, dapat daw hanggang GC o group chat lang ang usapang iyon.

Payo naman ni Vice Ganda sa madlang people, dahil nasabi na rin ni Kimmy ang naging sakit niya, mag-ingat daw ang lahat at siguraduhing hydrated lagi para iwas sa pagkakasakit.

Maging sa mismong ABS-CBN, dinogshow si Kim at ibinahagi ang kanilang kuwelang linyahan sa Showtime.

"'YONG DAPAT SECRET LANG, PERO ANG DALDAL NI FRIEND," anila.

Samantala, ayon sa Department of Health (DOH) Central Luzon, pinakamaraming kaso na raw ng dengue sa bansa ang Central Luzon, partikular sa lalawigan ng Bulacan. Sunod daw rito ang Nueva Ecija, Pampanga, Bataan, at Tarlac.