February 23, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

TJ Monterde, umaasa lang dati kay KZ Tandingan

TJ Monterde, umaasa lang dati kay KZ Tandingan
Photo Courtesy: Screenshots from Karen Davila (YT)

Matapang na inamin ni singer-songwriter TJ Monterde na dumating siya sa punto ng buhay na ang misis niyang si KZ Tandingan ang mas nagbigay sa kanilang dalawa.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, sinabi ni TJ na kakatapos lang daw nilang ikasal noon ni KZ at wala siyang masyadong trabaho.

“There’s this time na kakakasal pa lang namin, medyo down din ako sa career ko no’n. Wala ako masyadong trabaho,” lahad ni TJ.

“And KZ,” pagpapatuloy niya, “she’s always been KZ. She’s always been there. Knowing na I’m the head of the house, I’m the lalaki, ako ’yong lalaki, so I felt like I should be the provider.”

Relasyon at Hiwalayan

Kris Aquino, single na ulit!

Sa kabila nito, hindi raw pinaramdam sa kaniya ni KZ kailanman na sa pagitan nilang dalawa, siya ang higit na kailangang magbigay.

Aniya, “Never ko na-feel ‘yon. ‘Yong masabi niya sa akin na, ‘Ikaw naman. Ikaw ‘yong lalaki rito.’ Wala akong naramdamang gano’n. So that’s one thing I really appreciate about her.”

Kaya naman minsan ay tinatanong niya raw ang sarili kung kailan kaya darating ang panahon na siya naman ang magbabayad sa mga malalaking gastusin nila ni KZ at hindi na lang basta para sa monthly electric at water bill.

Pero ngayong nakakaluwag-luwag na siya at nagkaroon pa nga ng solo concert kamakailan, pareho na silang nakapagbibigay sa isa’t isa.

Matatandaang kasagsagan ng pandemya nang ikasal ang mag-asawa noong Agosto 2020 sa San Benito, Batangas.