April 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mavy Legaspi, may mensahe sa mga umookray sa pagiging PBB host

Mavy Legaspi, may mensahe sa mga umookray sa pagiging PBB host

Excited na ang Kapuso actor-TV host na si Mavy Legaspi sa pagsabak niya bilang isa sa mga Kapuso artist na magiging dagdag na host ng "Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab" na magsisimula na sa Marso.

Makakasama niya sa original line-up ng Kapamilya hosts na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Alexa Ilacad, Enchong Dee, Melai Cantiveros, at Kim Chiu ang kapwa Kapuso artist-TV host na si Gabbi Garcia.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong magko-collab ang ABS-CBN at GMA pagdating sa isang reality show.

Sa kaniyang Instagram stories naman ay nagpasalamat sa Diyos ang isa sa mga anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa panibagong oportunidad para sa kaniya.

Tsika at Intriga

Namash-up din? Ate Gay, sinabihang 'RIP'

Tinawag siyang "Kapuso Royal Tropa ni Kuya."

"I can't wait to meet the housemates. Can't wait to learn from the amazing PBB hosts. I won't let any of you down. Ready to host," ani Mavy sa kaniyang text caption.

Photo courtesy: Mavy Legaspi (IG)

Nagpasalamat naman si Mavy sa lahat ng buhos ng pagmamahal at suporta para sa bago niyang TV hosting stint.

"Thank you for all the love & support guys. It's honestly so overwhelming," aniya.

Ipinangako naman niyang gagamitin niya ang natatanggap na "constructive criticisms" para mas pagbutihin pa sa kaniyang gagawing hosting.

"I'll do my very best. I'll take any constructive criticism moving forward and utilize it to become a better host."

"All the extra [noise] is just unnecessary, I suggest you keep it to yourself cause it doesn't work on me," aniya.

Photo courtesy: Mavy Legaspi (IG)

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi, 'Kapuso Royal Tropa ni Kuya' sa PBB Celebrity Collab Edition