February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Jellie Aw, hindi na magpapakasal kay Jam Ignacio

Jellie Aw, hindi na magpapakasal kay Jam Ignacio
Photo Courtesy: : Screenshot from ABS-CBN News (FB), GMA Integrated News

Nagbigay na ng tugon si Jellie Aw kaugnay sa pahayag ng negosyante at fiancé niyang si Jam Ignacio.

Sa panayam ng media kay Jellie nitong Biyernes, Pebrero 21, sinabi niyang hindi na raw matutuloy pa ang kasal nila ni Jam dahil sa nangyari.

“Wala na pong kasal na magaganap o matutuloy. Hindi na po matutuloy ‘yong mga pinag-usapan namin dahil po sa nangyari.”

Sa kabila nito, nilinaw ni Jellie na noong una pa lang daw ay napatawad na raw niya si Jam sa ginawa nito sa kaniya.

Elisse Joson, 'di kayang makita isilid sa sako ang anak: 'Even as work lang!'

“Pero itutuloy ko pa rin po ‘yong kaso. Hindi po pwedeng napuno lang siya, e. Pa’no po ‘pag pinagbigyan ko pa po siya ng second chance? Pa’no pag napuno ulit siya sa akin? Gagawin niya ulit ‘yon?

Matatandaang sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kamakailan ay humingi si Jam ng tawad kay Jellie at hiniling pa niya na sana ay matuloy ang kasal nila.

MAKI-BALITA: Jam Ignacio nag-sorry kay Jellie Aw, gusto pang makasal sila

Ito ay matapos niyang bugbugin ang fiancée niya dahil umano sa selos.

MAKI-BALITA: Jellie Aw, isiniwalat dahilan ng pambubugbog sa kaniya ni Jam Ignacio