February 22, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Cedrick Juan, engaged na kay Kate Alejandrino

Cedrick Juan, engaged na kay Kate Alejandrino
Photo Courtesy: Cedrick Juan (FB)

Inanunsiyo ni “GomBurZa” star Cedrick Juan ang tungkol sa engagement nila ng jowa niyang si Kat Alejandrino na isa ring aktres.

Sa latest Facebook post ni Cedrick nitong Miyerkules, Pebrero 19, makikita ang serye ng mga larawan nila pagkatapos niyang maisuot ang singsing kay Kate.

“Pangarap na nagsimula sa pagpapanumbalik ng iyong tunay na ngiti na naguugat sa kaluluwa, isip, puso at mga mata. Ito ang layunin ko simula noong unang araw na tayo’y nagsimula,” saad ni Cedrick sa caption.

Dagdag pa niya, “Tara mangarap tayo bawat sandali simula sa araw na ito. Mahal, Mahal na mahal kita at pipiliin ka araw-araw Kaitin.”

Relasyon at Hiwalayan

Jeraldine at Josh ng Blackman family, hiwalay na!

Matatandaang si Cedrick ang itinanghal na Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actor noong 2023 dahil sa natatangi niyang pagganap bilang Padre Burgos sa “GomBurZa” ni Pepe Diokno.

MAKI-BALITA: Cedrick Juan, inalay ‘Best Actor award’ sa mga Pinoy na nakararanas ng injustice

Samantala, si Kate naman ay gumanap sa ilang pelikula tulad ng “Ang Pangarap Kong Holdap,” “Dormitoryo,” “Respeto,” at “Bula Sa Langit” kung saan siya kinilala bilang Young Critics Circle Best Performance nominee.