February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Yayo Aguila, pinatawad na si Baron Geisler

Yayo Aguila, pinatawad na si Baron Geisler
Photo Courtesy: Yayo Aguila, Baron Geisler (FB)

Inamin ng beteranang aktres na si Yayo Aguila na pinatawad na raw niya si “Incognito” star Baron Geisler sa nagawa nito sa kaniyang anak.

Matatandaang noong 2013 ay hinatulang guilty si Baron sa kasong acts of lasciviousness laban sa anak ni Yayo kay William Martinez na si Patrizha Martinez.

Dahil dito, sinentensyahan si Baron ng anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakakulong at pinagmulta ng ₱30,000 para sa moral damages.

Sa isang ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong September 2013, sinubukan umanong makipag-usap ng kampo ni Baron tungkol sa kaso.

Agot Isidro, nagugulat sa mabilis na pagsikat ng mga bagong artista

Aniya, “In all honesty, after the hearing, ‘yong side ni Baron, nag-try talagang makipag-communicate sa akin kasi gusto nilang ayusin.”

Sa isang episode ng “Lutong Bahay” kamakailan, sinabi ni Yayo na nagkita raw sila ni Baron sa isang showbiz event ilang taon na ang nakalilipas.

“Wala akong choice, nagkasalubong kami tapos binati niya ako. Nag-sorry naman siya, nag-sorry siya so sa 'kin malaking bagay 'yong it takes guts para makapag-sorry ka. Feeling ko naman sincere siya," lahad ni Yayo.

Dagdag pa niya, ipinaalam daw niya kay Patrizha ang ginawang paghingi ng tawad ni Baron sa kaniya.

“Actually, 'yong anak ko, sabi niya, 'Ma, napatawad ko naman siya, e, pero hindi ko makakalimutan 'yong ginawa niya.' Ganon din 'yong stand ko. Napatawad naman na namin siya,” ani Yayo.

Bukod dito, sinabi rin ni Yayo na bagama’t ayaw niyang makasama sa proyekto si Baron, bukas pa rin siya sa posibilidad na makatrabaho ang huli.

Ayon sa kaniya, “Pwede ko naman siyang hindi kausapin sa set. Work is work. So, you don't have to be friends with him kasi sa work ‘di naman kailangan lahat friends mo. “