February 23, 2025

Home SHOWBIZ Events

Boy Abunda Kapuso pa rin: 'This has always been my home!'

Boy Abunda Kapuso pa rin: 'This has always been my home!'
Photo courtesy: Boy Abunda (FB)

Muling nag-renew ng kaniyang kontrata sa GMA Network si Asia's King of Talk Boy Abunda nitong Martes, Pebrero 18 na sinaksihan at dinaluhan ng ilang GMA executives.

Dumalo sa nabanggit na renewal of contract ceremony sina GMA President and CEO Gilberto Duavit Jr. at Senior Vice President of the Entertainment Group Miss Lilybeth Rasonable.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Boy na hindi siya nahirapang bumalik sa Kapuso Network dahil dito talaga ang kaniyang tahanan.

"“This has always been my home. Hindi ako nahirapan bumalik sa GMA-7 because dito ako nag-umpisa,” ani Boy.

Events

Pagiging bagong MUPH National Director ni Ariella Arida, umani ng reaksiyon

Matatandaang namayagpag ang karera ni Boy bilang talk show host nang lumipat siya sa ABS-CBN, na naging tahanan naman niya sa loob ng ilang dekada.

Noong Disyembre 2022 ay tuluyang bumalik si Boy sa GMA matapos ang halos 23 taon sa Kapamilya Network matapos maapektuhan ang line-up ng shows nito dahil sa kawalan ng prangkisa.

Paglipat sa GMA ay agad na ginawa ni Boy ang "Fast Talk with Boy Abunda" tuwing hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.