Binati ni Senador Bong Go si Honeylet Avanceña, longtime partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaarawan nito ngayong Lunes, Pebrero 17.
"Maligayang kaarawan, Ma'am Honeylet! Nawa'y manatiling malakas ang inyong pangangatawan at lagi kang pagpalain ng Poong Maykapal," pagbati ni Go sa kaniyang social media account.
Kalakip ng pagbati ng senador ang mga larawan kasama sina Honeylet, Ex-President Duterte, anak nilang si Kitty, at apo na si Mira.