February 23, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Jennylyn Mercado, nagsasanay nang magpaputok

Jennylyn Mercado, nagsasanay nang magpaputok
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado (IG)

Pinaghahandaan na ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado ang upcoming action-drama series nila ng mister niyang si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Sa latest Instagram post ni Jennylyn kamakailan, ipinasilip niya ang ilang eksena ng kaniyang pag-eensayo sa pagpapaputok ng baril.

“New skill unlocked. ” saad niya sa caption.

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Teleserye

Jillian sinabuyan ng asido, naging si Myrtle na; umani ng reaksiyon

"iba talaga ang idol ko"

"Mami forda action star ka dito hindi latina hahahaha "

"I am very proud of you, Ms. Jen! Isang karangalan po na maturuan ka ."

"to bagay maging action star physical fit talaga"

"Pang tomb raider na ang datingan astig"

"Hays. Walang kupas "

"Go ate Bessie"

Matatandaang inanunsiyo ang tungkol sa bagong serye nila ni Dennis na “Sanggang-Dikit” matapos makapag-renew ni Jennylyn ng kontrata sa GMA Network noong Enero.

MAKI-BALITA: Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis