Tila pinaligaya ng Kapamilya actor na si Jameson Blake ang kaniyang fans, supporters, at netizens dahil sa kaniyang mga pasabog na larawan para sa nalalapit na highly-anticipated na iconic fashion show ng isang clothing brand.
Makikita sa opisyal na Facebook page ng nabanggit na clothing line ang mga pasabog na larawan ni Jameson habang nakasuot lamang ng underwear; naka-side view siya at nakaliyad kaya kitang-kita ang naghuhumiyaw na "umbok" na pantasya ng mga sangkababaihan at sangkabekihan.
Ibinahagi rin ni Jameson ang post nito sa kaniyang official Facebook page.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Grabe naman yon Jameson hahaha"
"sayo lahat yon?"
"May paayuda na naman sa mga sangkababaihan at sangkabekihan hahaha."
"Grabe nabilaukan kami hahaha."
"parang ang sarap tumira"
"hinog na hinog hahaha"
Bukod kay Jameson, isa sa mga pinag-usapan pang post ay kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo na talaga namang pinusuan ng mga netizen.