May 18, 2026

Home BALITA Politics

Sey ni Vic: Vico magpapahinga lang pero babalik sa politika

Sey ni Vic: Vico magpapahinga lang pero babalik sa politika
Photo Courtesy: TVJ (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang komedyante at “Eat Bulaga” host na si Vic Sotto kaugnay ng panawagang kumandidato ang anak niyang si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mas mataas na posisyon sa gobyerno, gaya ng pagka-presidente.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Vic na hindi pa umano kwalipikado ang edad ni Vico para sa naturang puwesto.

Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, kinakailangang 40-anyos na ang kakandidatong pangulo sa mismong araw ng halalan. Sa kasalukuyan, 36 taon pa lang si Vico.

Kaya sabi ni Vic, “The age is not right yet. Kadalasan kapag nababanggit si Vico, it’s always praises for him. [...] Siyempre proud tatay naman ako.”

 “As far as the higher office is concerned, ‘yong desisyon nasa kaniya ‘yon, e. Siguro baka magpahinga lang sandali. And I’m sure he’s back. ‘’Yong serbisyo publiko nasa dugo na niya ‘yon, e,” dugtong pa niya.

Politics

'Ang layo!' SP Allan, sinagot kung handa rin niyang protektahan si Sen. Jinggoy tulad kay Sen. Bato

Nauna nang sinabi ni Vico na plano niyang magturo pagkatapos ng kaniyang termino bilang alkalde sa Pasig.

“Ang plano ko, balikan ‘yong mga hindi ko nagawa dahil tumakbo akong mayor. [...] I’d like to teach if I have an opportunity. That’s one thing,” saad ni Sotto sa isang panayam noong Oktubre 2025.

Matatandaang bago nanalong mayor ay nagturo siya ng social science sa Arellano University sa loob ng isang semestre.

Maki-Balita: Mayor Vico, bet magturo matapos ang termino