Dalawang magkahiwalay na insidente ng nagwawalang elepante ang naiulat sa India kung saan dalawang lalaki rin ang kumpirmadong nasawi.
Patay ang isang 40 taong gulang na lalaki matapos siyang atakihin ng elepanteng inihatid lang niya sa isang piyestahan.
Ayon sa mga ulat, ang biktima ay driver ng sasakyang naghatid sa elepante para sana sa tradisyunal na piyestahan sa India. Subalit, bigla umanong naging agresibo ang nasabing elepante at nagsimulang magwala.
Batay sa testimonya ng mga saksi, pinaiinom ng biktima ang elepante nang bigla raw itong nakawala mula sa kaniyang kadena.
Doon na raw inatake ng elepante ang biktima, gamit ang kaniyang sungay at tiunsok nito ang biktima upang mabuhat at saka inihagis.
Nagtamo rin ng sugat ang isa pang caretaker ng biktima ngunit maswerte siyang nakaligtas at kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital.
Samantala, ilang mga gamit pa ang napinsala mula sa pagwawala ng nasabing estudyante at maging ang sasakyang nagdala sa kaniya sa lugar ay nasira din.
Bunsod nito, doon na raw nagdesisyon ang mga awtoridad na barilin siya ng tranquiliser upang mapaklama at saka itinali sa isang puno.
Isang elepante rin ang napaulat na nagwala malapit sa isang templo, ilang oras matapos mangyari ang unang insdente. Isa ang nasawi matapos magtamo ng sugat sa dibdib at kalaunan ay nasawi.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay walang pahayag ang pamahalaan ng India hinggil sa nangyaring insidente na ikinasawi ng dalawang indibidwal.