Ipinaliwanag ni BB Gandanghari na hindi raw kailanman napipili ang pagiging transgender.
Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Pebrero 16, nausisa si BB kung kailan daw niya natuklasang naiiba siya sa mga kapatid niyang lalaki.
“Kailan mo naramdaman that there was something different in you among your siblings na lalaki?” tanong ni Toni.
Sagot ni BB, “When Rustom’s marriage crumbled with Carmina [Villaroel]. [No’ng bata] kung mayro’n man, I never entertained it because it’s never a choice; it can never be a choice.”
“Hindi ako handang itakwil ng magulang ko, ‘no. Saka my fear of God also. Siyempre I grew up as a very religious person,” dugtong pa niya.
Matatandaang nagpakatotoo si BB sa tunay niyang gender sa isang episode ng Pinoy Big Brother noong 2006 kung saan isa siya sa mga housemate.
Ayon sa kaniya, bago raw ang nasabing pag-amin, wala raw ibang nakakaalam ng tungkol doon maliban sa estranged wife niyang si Carmina.