February 23, 2025

Home SHOWBIZ Events

Kathryn nagpaliyab, nagbalandra ng kaseksihan

Kathryn nagpaliyab, nagbalandra ng kaseksihan
Photo courtesy: Bench (FB)

Grabehan na talaga si Asia's Outstanding Superstar Kathryn Bernardo matapos niyang i-flex ang mga nagbabaga niyang larawan para sa pagbabalik ng highly-anticipated iconic runway show ng isang clothing brand.

Makikita sa Facebook post ng brand ang mga black and white photos ni Kathryn habang nakasuot ng black bathing suit, black stockings na may runs pa, at black boots.

Naghuhumiyaw rin ang pa-cleavage ni Kathryn na lalo pang nagpalutang sa kaniyang kaseksihan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Events

Boy Abunda Kapuso pa rin: 'This has always been my home!'

"Nkakaganda tlga lalo pag inlove at nasa healthy lifestyle Ang isang tao. Grabe yung blooming nakakasilaw."

"Ang gandaaaaaaa"

"Blooming grabe, ano ka ngayon Deej hahaha."

"Kath is a classic beauty. You cannot stop looking at her face. Very pinay. Gorg."

"YES SLAY QUEEN!!"

"Soooo fressshhh. Stay pretty and kind my KB.”

Samantala, mapapanood na sa Netflix ang pelikulang "Hello, Love, Again" na pinagtambalan nila ni Kapuso Star Alden Richards na itinuturing na "highest-grossing movie of all time" at kauna-unahang Pinoy movie na kumita ng bilyong piso sa takilya.