Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar dakong 4:55 ng hapon nitong Sabado, Pebrero 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 46 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 13 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Matatandaang nito lamang 9:18 ng umaga nito ring Sabado nang yumanig ang isang magnitude 5.2 na lindol 43 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani.