May 21, 2026

Home BALITA

Sen. Kiko nasaktan sa pagkasawi ng 19 na indibidwal sa Taboso

Sen. Kiko nasaktan sa pagkasawi ng 19 na indibidwal sa Taboso
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB), via MB

Naglabas ng pahayag si Sen. Kiko Pangilinan kaugnay sa nangyaring trahedya sa Taboso, Negros Occidental kamakailan na ikinasawi ng 19 na katao.

Sa latest Facebook post ni Sen. Kiko nitong Miyerkules, Abril 29, tila nadurog ang puso ng senador sa naging kapalaran ng 19 na indibidwal na namatay, kabilang na sina Alyssa Alano at Maureen Kiel Santuyo na kapuwa estudyante sa University of the Philippines (UP).

“Pagkalungkot-lungkot ang pagdanak ng dugo, lalo ng Pilipino sa kapwa Pilipino, sa ngalan man ng ideolohiya o estado,” saad ni Sen. Kiko.

Kaya naman naghayag siya ng suporta para sa maagap, malaya, at maaasahang imbestigasyon upang matuklasan ang totoong nangyari sa naturang insidente.

Aniya, “Gusto nating i-establish ang buong katotohanan, linawin ang katayuan ng mga namatay, at panagutin ang sinumang maaaring lumabag sa batas.”

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sa huli, hiniling ng senador na sana ay wala nang ibang pamilya ang maglilibing ng mahal sa buhay—sundalo man o sibilyan.

Matatandaang nagkasa na ng pagsisiyasat ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pagkamatay ng 19 na indibidwal sa operasyon ng militar sa Taboso.

Maki-Balita: CHR, nagkasa na ng imbestigasyon sa pagkamatay ng 19 katao sa operasyon ng militar sa Negros