Ibinahagi ng komedyante-TV host na si K Brosas ang naging hatol ng Korte sa house contractor na nanloko sa kaniya noong 2021.
Sa Instagram post ni K noong Huwebes, Pebrero 13, sinabi niyang bagama’t hindi pa raw pinal ay convicted umano ang hatol.
“Convicted (but not yet final), finally,” saad ni K.
Kaya naman pinasalamatan niya ang mga tumulong sa kaniya na harapin ang labang ito.
Aniya, “Today, justice prevailed. Thank you, Lord! Salamat Sales and Valderrama Law Office, lalo na kay Atty. Charlotte!”
“Sa lahat ng mga nagdasal (kasama na rin ang mga hindi naniwala), mahal na mahal ko kayo. This is one great Valentine’s gift! Panalo ito ng lahat ng mga naloko! Lablablab!!!” dugtong pa ni K.
Matatandaang hinayaan lang ng contractor na matengga ang ipinapagawang bahay ni K sa kaniya nang ilang taon at hindi na itinuloy pa kahit nakapagbigay na ang huli ng mahigit-kumulang ₱7,000,000.
MAKI-BALITA: K Brosas, naloko ng contractor ng bahay; natangayan ng ₱7M