Ibinahagi ni Kapuso Sparkle artist Ashley Ortega kung anong klaseng manliligaw ba si Mavy Legaspi.
Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Pebrero 10, kinompronta si Ashley tungkol sa real-score nila ng aktor.
“Oo o hindi, kayo na ba ni Mavy Legaspi?” diretsang ussia ni Boy.
“I think, it’s obvious naman,” sagot ng aktres. “Yes.”
Ayon kay Ashley, bagama’t matagal na raw niyang kilala si Mavy noong mga bata pa sila, nagsimula lang daw silang magkamabutihan noong nakaraang taon.
“I think it started na parang there was a one night kasama 'yong mga friends namin so doon ko siya nakilala,” lahad niya. “Then nagtuloy-tuloy na, and then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other.”
Dagdag pa niya, “Mavy is really thoughtful and also generous. 'Di naman kasi ako ma-grandeng tao na kailangan ng flowers or surprises or whatsoever. Ano lang talaga more on conversational lang talaga.”
Matatandaang nagsimulang lumutang ang espekulasyon na may espesyal na ugnayang namamagitan sa dalawa nang maispatan silang magkasama sa Cebu noong Enero.
MAKI-BALITA: Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu