Isinilang na ni “Chika Minute" showbiz news presenter Iya Villania-Arellano ang ikalimang anak nila ng mister niyang si Drew Arellano.
Sa latest Instagram post ni Drew nitong Martes, Pebrero 11, ibinahagi niya ang larawan ng kanilang bunso.
“Anya Love Villania-Arellano. February 11, 2025. 10:52am,” saad ni Drew sa caption.
Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kapuwa celebrity at kaibigan ng mag-asawa sa industriya. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
Luis Manzano: "Congrats guys "
Megan Young: "Anyaaaaa congratulations Iya and Drew!!!"
Jessy Mendiola: " congrats!"
Carla Abellana: "Congratulations! "
Hannah Romawac: “Woohooo! Buti hindi ka na sumunod sa metcon kanina"
Lovi Poe: "Congratulations!!"
Matatandaang Setyembre nang ianunsiyo ni Iya ang tungkol sa kaniyang ikalimang pagdadalang-tao sa pamamagitan ng Instagram post.
MAKI-BALITA: 'Basketball team na!' Drew Arellano, Iya Villania magkakaanak na naman
Pero ayon sa kaniya, ito na raw ang huli niyang pagbubuntis at hindi na niya susundan pa.
MAKI-BALITA: Iya Villania, 'di na raw dadagdagan ang limang anak