May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gov. Daniel Fernando, nagsalita na; Kim Rodriguez, ano nga ba sa buhay niya?

Gov. Daniel Fernando, nagsalita na; Kim Rodriguez, ano nga ba sa buhay niya?
Photo courtesy: Screenshot from Kay Susan Tayo vlogs (YT)/via Reddit

Nakorner ni GMA News journalist Susan Enriquez si Bulacan Gov. Daniel Fernando hinggil sa ilang mga isyung nauugnay sa kaniya, lalo na ang tungkol sa kaniyang love life.

Sa panayam ni Susan kay Gov. Daniel sa "Kay Susan Tay" vlogs, diretsahang tinanong ni Susan si Gov. Daniel kung ano ba ang real score sa pagitan nila ng nali-link sa kaniyang aktres na si Kim Rodriguez.

"Kakilala mo siya?" tanong ni Susan.

"Eh siyempre, artista eh," saad ni Gov. Daniel.

"Personal?" sundot pa ni Susan.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Nakilala ko po siya," pakli naman ng dating aktor.

"So hindi mo siya naging girlfriend?" hirit pa ni Susan.

Sagot naman ng gobernador, "Hindi po.

Hindi rin daw sila naging mag-MU o "mutual understanding."

"Eh ano? Close friend?" singit pa ni Susan.

"Female friend!" mabilis na tugon ni Gov. Daniel, na ikinatawa naman nilang dalawa.

Matatandaang noong bandang Mayo 2025, iniintriga ng mga netizen ang aktres at politician matapos kumalat ang mga larawan nila together.

Sa nabanggit na larawan ay makikitang may hawak na bouquet of flowers si Kim katabi ang gobernador ng Bulacan.

Mapapansin namang tila nakaakbay nang bahagya si Gov. Daniel kay Kim kung saan makikitang nakadantay ang kamay ng gobernador sa kanang balikat ng aktres.

Sa likod nila ay makikita naman ang isang dilaw na luxury car.

Hindi naman sigurado kung kailan kuha ang nabanggit na larawan, at kung bakit magkasama sila, subalit pinag-uusapan na nga ito sa social media, partikular sa social media platform na "Reddit." Pero ang mas nakakaloka, ang caption at post tungkol dito.

Tanong ngayon ng mga netizen ay kung anong mayroon sa kanilang dalawa, at kung totoo raw bang milyones ang umano'y natatanggap na ayuda ni Kim sa nabanggit na public servant.

Sa TikTok videos naman ni Kim ay tila binuska siya ng mga netizen subalit hindi naman ito pinatulan ng aktres at pasimpleng binara lamang.

"Dedma sa basher basta may daniel fernando," sey ng isang netizen.

Pero simpleng tugon dito ng aktres, "Pikit."

Maki-Balita: Kim Rodriguez, fresh daw dahil 'alagang' Gov. Daniel Fernando?

Ipinagtanggol naman ng gobernador ang aktres at sinabing wala raw katotohanan ang mga kumalat na tsikang nakatatanggap ng ₱1 milyon si Kim mula sa kaniya, at nabigyan pa siya ng isang luxury car, dahil may relasyon sila.

Sa ulat ng isang lokal na pahayagan, minalisya lamang daw ang larawan na ipinakalat lamang daw ng mga kalaban ni Fernando sa politika.

2022 pa raw kuha ang nabanggit na larawan, at maging mga kaibigan ng gobernador kasama na si Fernando ay natawa na lamang daw sa isyu.

Kilala raw kasi ang politiko bilang masinop sa pera, at hindi raw gagamitin sa ganitong bagay ang pera ng taumbayan.

Matapos ngang mare-elect kasama ng bise-gobernador na si Alex Castro, nakapokus daw ngayon si Fernando sa serbisyo-publiko para sa mga Bulakenyo.

Maki-Balita: Daniel Fernando, pinabulaanan sustento kay Kim Rodriguez