Nausisa si Kapuso Sparkle artist Ashley Ortega tungkol sa tama at maling impressions niya kay Mavy Legaspi.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Pebrero 10, sinabi ni Ashley na akala raw niya noon ay hindi magtutugma ang maturity nilang dalawa.
“I thought before hindi niya ma-match ‘yong maturity ko. Kasi he’s younger than me, e. He’s three years younger than me. Parang two na lang din because my birthday is December 26, siya January,” saad ni Ashley.
“But he’s actually mature,” dugtong niya. “Parang in a relationship ako nga ‘yong pabebe girl, e. He take cares of me. So, ‘yon ‘yong parang napatunayan niya while we’re going out.”
Samantala, ang tumama namang impression niya tungkol kay Mavy ay ang pagiging well-mannered daw nito.
Sa parehong panayam ay kinumpirma na ni Ashley ang relasyon nila ni Mavy matapos silang maispatang magkasama sa Cebu noong Enero.
Pero tumanggi na si Ashley na ibahagi kung gaano na sila katagal ng aktor na magjowa nang tanungin siya ni Boy tungkol dito.
MAKI-BALITA: Mavy Legaspi, 'thoughtful' at 'generous' na manliligaw sey ni Ashley Ortega