Sinita ng aktres na si Ellen Adarna ang ulat ng GMA News at ng isang lokal na pahayagan tungkol sa statement umano ng afam na girl bestfriend ni Philmar Alipayo na si Pernilla Sjoö.
Sa Instagram story ni Ellen nitong Lunes, Pebrero 10, sinabi niyang mula raw sa pekeng account ang pahayag ni Pernilla na inilathala ng GMA News at ng isa pang pahayagan.
“GMA & Inquirer publishing a ‘statement’ sourced from a FAKE account. Her personal account has been deactivated the entire time,” saad ni Ellen.
Dagdag pa niya, “Philippine media, madlang people ”
Samantala, mababasa umano sa “pekeng” pahayag ni Pernilla na hindi raw niya maintindihan kung bakit may mga tao na sobrang daming hinanakit sa loob ng pagkatao.
“I hope that if you ever make a hurtful comment, you can still sleep peacefully at night and smile knowing you’ve caused someone pain. I’m still human din naman. I still feel hurt, and when it’s too much, it cuts deep,” saad niya.
Ito ay matapos pumutok ang isyu ng pagpapa-tattoo nila ni Philmar ng "224" na ang kahulugan ay 2Today, 2Tomorrow, 4Forever.
MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar