July 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hindi nag-audition? Atasha Muhlach, inintriga sa 'Annie Batungbakal' role

Hindi nag-audition? Atasha Muhlach, inintriga sa 'Annie Batungbakal' role
Photo courtesy: Screenshot via Philippine Concerts (X)

Usap-usapan sa social media ang komento ng isang umano'y auditionee sa "Bongga ka Day: Annie Batungbakal Musical" na kumukuwestyon sa lead star nitong si Atasha Muhlach, kung paano raw napunta sa kaniya ang lead role gayong hindi raw niya nakita ang aktres sa audition period nito.

Sa isang screenshot na kumakalat sa social media at ibinahagi rin sa Fashion Pulis, makikitang nagkomento ang nabanggit na auditionee sa isang TikTok post patungkol sa pagganap ng unica hija nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales para sa pagbabalik ng nabanggit na iconic role.

Kine-claim kasi ng netizen na hindi raw niya nakita sa open auditions ang aktres, para sa casting process.

Aniya, “Hi! No hate po. Respectfully, I was there during the two-day casting process, and I didn’t see Atasha in either day’s auditions.”

Dagdag pa niya, hindi umano dapat balewalain ang pagsisikap ng iba pang mga aspiranteng lumahok sa audition.

Tsika at Intriga

Ivana, binakbakan sa pagpapamudmod ng cellphones; promotion ng online sugal?

“Kaya sana huwag din nating i-disregard ang effort at hirap ng lahat ng pumila, naghihintay, kumanta, at sumayaw para mabigyan ng pagkakataon. Kung may nangyaring hiwalay na audition o private casting, ibang usapan na iyon. Pero base sa mismong open auditions na dinaluhan ko, wala siya roon,” saad pa ng netizen.

Photo courtesy: via Fashion Pulis (FB)

Dahil dito, nagkaroon ng mga espekulasyon kung dumaan ba si Atasha sa parehong proseso ng open auditions o kung nagkaroon ng hiwalay na casting para sa kaniya. Lumulutang din ang tungkol sa isyu ng "nepotismo."

Bukod dito, trending na rin sa X ang "Annie Batungbakal" dahil sa mga puna sa bersyon ng kaniyang pag-awit; na para bang naging "coño" raw ang karakter, na unang nakilala bilang kikay at bakya.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa X:

"annie batungbakal pero conyo ayt nepo queen slay"

"rooting for gab pangilinan or maris racal for this role but yes, nepotism with no talent always win"

"also asp, i see carmelle so fitting of this role the dispatsyadora and disco girly at night! sobrang badeng lang!character-wise, very annie batungbakal!"

"She can sing, sure, but the Tagalog delivery is giving foreigner who practiced one OPM song for applause tapos the nepo baby aura is so strong that instead of Annie Batungbakal the aspiring fashion designer, it’s giving owner’s daughter doing immersion at the atelier."

"the concept of an annie batungbakal na conyo is so funny to me hahaha ewan ko sa inyo"

Samantala, sa panayam naman ng isang lokal na pahayagan kay Direk Chris Millado noong Hunyo 21, 2026, dito ay inilarawan niya kung paano nag-audition si Atasha at kung paano nakuha ng aktres ang kanilang atensyon para magdesisyon silang siya nga ang karapat-dapat na Annie Batungbakal.

"She walked in like nobody. Gym pants. Plain tee. Bare face. Ponytail. No entourage. No arte. Then the music hit. She caught the choreography on the first eight-count and slid into the song’s high notes like they were made for her. She matched the leading boys swoony charm and swagger," ayon sa direktor.

Dagdag pa, "First impressions? Sometimes they bring their own invisible spotlight with them."

Ibig sabihin, dumaan talaga sa audition si Atasha, batay sa naging pahayag ng direktor.

SINO SI ANNIE BATUNGBAKAL?

Si Annie Batungbakal ay sikat na "fictional character" sa Pilipinas na unang pinasikat ng bandang "Hotdog" noong 1979, na tampok sa kanilang kanta. Siya ay sumisimbolo sa isang dalagang nagtatrabaho sa araw bilang dispatsadora ng pampublikong sasakyan, ngunit nagiging "disco queen" sa gabi kung saan nakakalimutan niya ang kaniyang mga problema sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Batay sa mga ulat, sinasabing ang karakter ay orihinal na nilikha bilang pagpupugay ng banda sa mga Pilipinang kasambahay o domestic worker na "nagta-transform" at "bonggacious" sa oras ng kanilang pahinga, tapos na ang trabaho o duty, o kaya naman, kapag day off.

Dahil sa kasikatan ng kanta, ginawa itong romantic comedy movie noong 1979, na pinagbidahan ng pumanaw na National Artist for Film and Broadcast at Superstar Nora Aunor, sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Noong 2004, bumida naman si Jolina Magdangal sa musical and romantic-comedy film na "Annie B." na halaw naman sa karakter ni Anna Batungbakal.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Atasha o ang pamunuan ng musical play tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.